Read 1 John chapter 5 in Tagalog on Bible for Hope.
1 Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Diyos: at ang bawa’t umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.
2 Dito’y ating nakikilala na tayo’y nagsisiibig sa mga anak ng Diyos, pagka tayo’y nagsisiibig sa Diyos at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
3 Sapagka’t ito ang pagibig sa Diyos, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
4 Sapagka’t ang sinomang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.
5 At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Diyos?
6 Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan.
8 Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Diyos, sapagka’t ito ang patotoo ng Diyos: sapagka’t ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
10 Ang nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Diyos ay ginagawang isang sinungaling ang Diyos: sapagka’t hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Diyos tungkol sa kaniyang Anak.
11 At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.
12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.
13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.
14 At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo’y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
15 At kung ating nalalaman na tayo’y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya’y ating hiningi.
16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Diyos ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.
17 Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.
18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Diyos ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Diyos ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.
19 Nalalaman natin na tayo’y sa Diyos at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.
20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Diyos, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Diyos, at ang buhay na walang hanggan.
21 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.